NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin niya ang kanyang termino na lumalaban sa illegal drugs sa harap ng kritisismong natatanggap sa buong mundo, sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).
“Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang manumpa ako sa tungkulin at nakalulungkot na masabing hindi na tayo natuto. Nagpapatuloy ang problema sa droga at korapsiyon,” sabi ng Pangulo sa ginanap na joint session ng Kongreso.
Ipinagmalaki din ng Pangulo ang bilyun-bilyong halaga ng cocaine gayundin ang pagbuwag sa malalaking sindikato ng droga, kasama ang mga nagsilutang na cocaine sa karagatan ng bansa at magpapatuloy umano ito hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.
179