TRAPIKO PINASOSOLUSYUNAN

FOR THE FLAG

Sa nakaraang SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay malinaw ang kanyang kautusan na nararapat na ang mga pampublikong lansangan ay ibalik nang magamit ng publiko upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila.

Inatasan niya hindi lamang ang MMDA kundi pati ang DILG na tutukan ang mga siyudad na sundin ito o mahaharap ang mga respective mayor ng mga ito sa suspensyon.

Nasa P2.4 bilyon kada araw ng pinagsamang pondo ng bawat mamamayan at pamahalaan ang nasasayang dahil lamang sa mabigat na trapiko sa bansa, ayon sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Solusyon?

Una, ipatupad ang odd-even scheme para sa mga pampribadong sasakyan sa buong Metro Manila. Kalahati kaagad ng bilang ng mga ito ang mawawala sa mga lansangan.

Ikalawa, tanggalin ang mga terminal ng mga pamprobinsyang mga bus mula sa EDSA, at mag-establisa ng terminal sa Valenzuela City para sa mga papuntang norte, at isang terminal naman sa Alabang para sa mga bus na biyaheng pa-south.

Ikatlo, i-tow lahat ng sasakyan na ginagawang parking area ang mga side street at mga pampublikong lansangan, ipatupad nang mahigpit ang “no garage, no vehicle” policy.

Ikaapat, ibalik at isaayos ang mga U-turn slot na unang ipinatupad ni dating MMDA chairman Bayani Fernando. Kung kinakailangang tanggalin ang mga stoplight e tanggalin na ang mga ‘yan lalo’t wala namang nagbabantay.

Ikalima, tanggalin ang mga kolorum na bus sa EDSA at sa lahat ng lansangan sa Metro Manila.

Ikaanim, bigyan lamang ng isang minuto sa bus stop ang mga bus na nagbababa at nagsasakay ng mga pasahero sa EDSA.

Ikapito, panatilihing may mga kawani ng MMDA ang lahat ng busy intersection sa lahat ng oras hanggang gabi.

Ikawalo, paggamit ng sentido kumon sa pag-iskedyul ng implementasyon ng mga paggawa sa mga pampublikong lansangan ng Department of Public Works and Highway at ng mga lokal na pamahalaan.

Reverse color coding: Ang mga plakang nagtatapos sa mga numerong 1 at 2 lamang ang maaaring bumagtas sa mga lansangan kada Lunes, 3 at 4 naman kada Martes, 5 at 6 kada Miyerkoles, 7 at 8 kada Huwebes, 9 at 10 kada Biyernes at ang Sabado at Linggo naman ay free for all. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

89

Related posts

Leave a Comment