SAGIP KANLUNGAN

MAGING WAIS KA

Nakatatakot isipin na ang Pilipinas ay pangatlo sa talaan sa buong mundo na nahaharap sa sakuna o panganib. Ito ay dulot ng iba’t ibang natural na kalamidad tulad ng bagyo, ba-ha, lindol, landslides, at pagputok ng mga bulkan.

Sa mga ganitong sitwasyon, mas nakatatakot na marami sa atin ang maaaring mamatay, da-hil sa kakulangan ng kaalaman, kawalan ng paghahanda, at pondo, at mga emergency healthcare facilities. Kayang lumpuhin ng kalamidad at sakuna ang ating mga kabuhayan, ekonomiya, at imprastraktura sa isang iglap.

Nakatawag pansin sa akin ang isang grupo ng mga batang arkitektong Pinoy, isa rito si Arch. John Ryan Anastacio Santos na gumawa ng disenyo ng isang matatawag na disaster re-silient hospital para sa agarang lunas sa mga biktima ng kalamidad.

Tinawag?na?Sagip Kanlungan?ang?kanilang proyekto.?Napiling?pambato ng Pilipinas ang Sagip Kanlungan sa gaganaping World Architecture Festival sa Amsterdam sa Disyembre, kate-gorya ng design ng isang healthcare facility. Kabilang ang Pilipinas sa 70 mga bansa na maglalaban-laban.

Naging isang inspirasyon ng grupo ang mapasama ang kanilang entry na balak nilang itayo sa lalawigan ng Pangasinan. Isang healthcare facility program ang kanilang gustong kontri-busyon sa bansa at sa mga Filipino.

Ayon kay Arch. Santos, hindi na kailangan pang maging?kakompetensya sa mga malalaking ospital na kadalasang itinatayo sa siyudad o sa sentro. Maliit lamang na pondo ang kailangan, nasa komunidad, at mabilis itayo, higit sa lahat malapit sa mga manggagamot.

Ilang bagyo at baha ang dumating na nakatayo at magsisilbi ang pasilidad na ito sapagkat ang disenyo nito ay laban din sa anumang klase ng kalamidad na maaaring tumama sa bansa.

Kailangan natin sa bansa ang cost-effective interventions dahil sa ating limitadong pondo para sa pampublikong kalusugan. Sana mabigyang pansin at pagkakataon ng mga tamang ahensya ang mga solusyong gawang Pinoy at para sa Pinoy. Lubhang, mayroon tayong likas na galing, talino, at talento upang mag-ambag ng solusyon sa sariling problema ng ating bansa, gaya na lamang ng pagresponde sa sakuna sa konteksto ng healthcare.

Sana lang Maging WaIs ang ating lokal at nasyunal na pamahalaan na ang programang tulad nito ay makasama bilang prayoridad sa paglalaan ng pondo sa ilalim ng disaster pre-paredness bago pa man mahuli ang lahat.

Para sa komento, at suhestiyon maaaring mag email sa Ilagan_ramon@yahoo.com or magmensahe sa FB: Mon Ilagan Account Two  (Maging waIs Ka! / MON ILAGAN)

178

Related posts

Leave a Comment