NAGPAPATULOY ang yellow rainfall warning ng Pagasa, Sabado ng umaga, sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Rizal, at bahagi ng Zambales (San Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Narciso, Castillejos, Subic, at Olongapo).
Ang mga lugar sa ilalim ng yellow rainfall warning ay makararanas ng malakas na pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Inaasahan ang mga pagbaha dulot ng pag-ulan.
Pinapayuhan din ng Pagasa ang mga resident eng magmonitor sa kondisyon ng panahon at maging alerto.
Nakakaranas din ngayon ng mga pag-ulan ang mga lugar na
Zambales – Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan
Quezon
Laguna
Bulacan
Pampanga
Batangas
Ang mga lugar na ito ay nakararanas ng mga pag-ulan sa susunod na tatlong oras at posibleng madamay ang mga kalapit na lugar.
Pinayuhan din ng Pagasa ang publiko at disaster risk reduction and management offices na magmonitor para sa kaligtasan.
246