PH ARCHERY TEAM, COMPETITIVE

(NI JEAN MALANUM)

PITONG beterano at walong newcomers ang nasa line-up ng national archery team para sa 30th SEA Games na gagawin dito sa bansa.

Ayon kay recurve coach Clint Sayo, ang mga old-timer na sasabak sa biennial tournament ay sina Luis Gabriel Moreno, Florante Matan, Kareel Hongitan at Pia Elizabeth Bidaure sa recurve event at sina Paul Marton Dela Cruz, Jennifer Chan, Rachelle Ann Dela Cruz at Abigail Tindugan sa compound event.

Ang mga baguhan ay sina Jason Feliciano, Carson Hastie, Gabrielle Monica Bidaure at Phoebe Amistoso sa recurve event at sina Johann Olano, Arnold Rojas, Roberto Badiola at Andrea Lucia Robles sa compound event.

“Maraming baguhan pero magagaling sila. Together with the old-timers, we have a very competitive team for the SEA Games,” pahayag ni Sayo, na two-time SEAG gold medalist sa individual recurve (1995, 1997) bago naging coach noong 2017.

Kasalukuyang naghahanda ang mga atleta sa third leg ng Asia Cup na idaraos sa Setyembre 8-15 sa Clark Parade Grounds, ang mismong venue ng SEAG archery competition.

May 16 bansa ang kalahok sa Asia Cup na magsisilbing test event ng SEAG kung kaya’t kailangan na todo ensayo ang mga Pinoy na siguradong makakalaban ang mga pambato ng Malaysia, Indonesia, Vietnam at Singapore.

Indonesia ang nanalo ng gold at napunta sa Malaysia ang silver nang makuha ni Paul Dela Cruz ang bronze sa individual compound event noong 2014 Incheon Asian Games sa South Korea.

“We’re expecting good results in the SEAG. The target is to win medals but it’s hard to tell what color because our athletes will be up against players who are also training hard,” paliwanag ni Sayo na humawak ng national teams ng Singapore (2002-2005) at Saudi Arabia (2006-2015).

Nakapaglaro na ang mga Pinoy archers sa World Championships sa Netherlands at Asia Cup sa Thailand (first leg) at Taiwan (second leg) bilang tune up tournaments sa SEAG.

Pagkatapos ng Asia Cup third leg sa Setyembre, sasali din sila sa Asian Championships sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre.

Sinabi rin ni Sayo na nakatakdang dumating ngayon si Korean Chong Yap Lee na tatayong foreign coach ng national archers.

“Siguradong gagawin ng mga atleta natin ang lahat para makapagbigay ng karangalan sa Pilipinas,” sabi ni Sayo.

136

Related posts

Leave a Comment