MARATHON HEARINGS, OT, SA PAGPASA NG 2020 BUDGET

martin100

(NI ABBY MENDOZA)

NAGKASUNDO ang mga mambabatas na magtatrabaho araw at gabi para makuha ang target na maipasa ang 2020 national budget sa Oktubre.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez  magkakasa sila ng marathon budget sessions sa committee level at maging sa plenaryo para matiyak ang pagpasa sa  P4.T budget.

“The House members are in full agreement that we all have to work day and night, from Monday to Friday, to make sure that we approve the 2020 General Appropriations Act by October.This will give the Senate ample time to scrutinize the budget approved by the House. Hopefully, we can have a bicameral conference early December, then approve the 2020 national budget before the year ends,” paliwanag ni Romualdez.

Apat na budget hearings ang isasagawa araw-araw habang magsisimula ang sesyon sa plenaryo ng 5:00 ng hapon mula sa dating alas 3:00 ng hapon.

Simula sa September 12 ay palalawigin na rin ang plenary sessions hanggang Biyernes na dati ay hanggang Miyerkoles lamang.

“House members may have to shuttle between hearings in order to maximize their participation in the budget deliberations. I am thankful that all the House members agreed to this schedule, which is really a tall order,” dagdag pa ni Romualdez.

Sa bisa ng Section 35 ng House Rules ay pinahintulutan ng Majority Leader ang hiling ni Appropriations Committee Chair Isidro Ungab na magsagawa ng budget hearings sa kasagsagan ng sesyon sa plenaryo.

Samantala, tiniyak ng Minorya ng Kamara na makikipagtulungan sila sa Majority Bloc para mapabilis ang proseso ng paghimay sa budget

Ayon kay House Minority Leader Benny Abante, gaya ng kanilang mga kasamahan sa mayorya handa rin silang mag-overtime dahil alam naman  ng lahat na mahalagang matapos sa takdang oras ang budget deliberations.

Bagama’t suportado ang mayorya, sinabi ni Abante na mananatili pa rin ang pagigng fiscalizer ng Minority Bloc at kanilang titiyakin na magagamit nang maayos at mag-aangat sa pamumuhay ng mahigit 100 milyong Pilipino ang ipapasang mahigit 4 na trilyong pisong pondo para sa susunod na taon.

Para matapos ang budget, umapela rin si Abante sa mga kapwa mambabatas na iwasan ang grandstanding sa mga isyu at tutukan lang ang budget.

142

Related posts

Leave a Comment