P5-M NA REWARD SA KILLER NI BATOCABE

reward

(NI BERNARD TAGUINOD)

Umaabot na sa P5 milyon ang nalikom mula sa ambagan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa reward para sa mabilisang paghuli sa mga pumatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at ng kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz.
Ito ang kinumpirma mismo ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez at posibleng madagdagdan pa ang nasabing halaga dahil hindi pa nakokontak ang ibang miyembro ng Kamara.

“As of now 153 Congressmen/women na ang nag-ambag kaya P5 Million na ang nalikom na bounty money,” ani Benitez na nanguna sa paglikom ng pera para makatulong sa agarang pagdakip sa mga pumatay kina Batocabe at Diaz.

Nalikom ang nasabing halaga sa loob lamang ng 16 oras pagkatapos patayin sina Batocabe at Diaz habang paaalis ang mga ito sa gift-giving event para sa mga senior citizens at people with disabilities (PWDs) sa Brgy. Burgos, Daraga Albay noong Sabado, dakong alas-tres ng hapon.Unang nakalikom ng P3 milyon ang grupo ni Benitez dakong alas-8 ng gabi noong Sabado kung saan 100 Congressmen ang agad na nag-ambagan at dahil nais aniyang makatulong ang mga kasamahan ni Batocabe sa Kamara para sa agarang katarungan ay nakiambag na rin ang ibang solons.

“One hundred fifty three (153)  ang counting kaya madagdagan pa yan (ang P5 Million)  sigurado,” ani Benitez na tulad ng lahat ng kanilang kasamahan sa Kamara ay mariin nitong kinokondena ang pagpatay kina Batocabe at Diaz.Si Batocabe na pangulo ng Party-list Coalition Inc.,  ay nasa huling termino na bilang kinatawan ng AKO Bicol party-list group at tumatakbo ito bilang Mayor ng Daraga, Albay sa eleksyon sa susunod na taon.

136

Related posts

Leave a Comment