CURFEW SA KABATAAN ‘DI EPEKTIBO – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI mawawala ang krimen sa mga lansangan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng curfew sa mga bataan maliban lamang kung ipatupad ito sa mga matatanda.

Ito ang opinyon ni Albay Rep. Joey Salceda sa gitna ng pagpapatupad ng Manila City government ng kanilang ordinansa sa curvey sa mga kabataan mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

“Youth curfew doesn’t work, adult curfew is needed to lessen crimes,” pahayag Salceda kasabay ng paglalatag ng mga pag-aaral bilang ebidensya na hindi epektibo ang curfew sa mga kabataan para mabawasan ang krimen sa mga lansangan.

Sinabi ng mambabatas noong 2015, nagpatupad ng juvenile curfew sa Washington D.D dahil sa gun violence subalit napatunayan na mas marami pa ang gunfire incident ang nangyari.

“It resulted to fewer witnesses on street crimes, making it harder for the state authorities to resolve them (gun violence),” ani Salceda.

Ayon sa mambabatas, may pag-aaral din aniya na mas kakaunti ang krimeng kinasasangkutan ng mga kabataan kumpara sa matatanda  na edad 40 hanggang 50 anyos subalit sa mga una isinisisi ang mga krimen sa kanilang lugar.

“The Austin Police Department decided to discard the curfew law because it wasn’t making a relevant difference on juvenile crimes based on gathered evidence,” ayon pa sa mambabatas.

Sa Manila aniya, 2.5 million mahirap kung saan 75,000 sa mga ito ay walang bahay matapos tumakas o kaya inabandona ng kanilang pamilya habang ang karamihan ay breadwinner ng kanilang pamilya kaya kailangan nilang lumabas sa gabi, hindi upang maghanap-buhay.

“This measure will discriminate these children as they scavenge for food and work meager jobs, even during the late hours of the night, just to survive,” ayon sa mambabatas kaya tutol ito sa juvenile curfew.

“The youth’s presence in public spaces shouldn’t be perceived as a criminal activity. The juvenile curfew law hinders the recognition of their rights to public space, liberty, travel, and privacy,” ayon kay Salceda.

 

243

Related posts

Leave a Comment