SENADO PINAKIKILOS SA PAGPATAY SA MGA ABOGADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

MULING kinalampag ni Senador Leila de Lima ang Senado upang busisiin na ang mga tumataas na kaso ng pagpatay sa mga abogado na hindi pa rin nareresolba.

Kasabay ito ng pagkondena ng senador sa pinakahuling insidente ng pananambang sa isang Cebu-based lawyer na si Inocencio dela Cerna Jr.

“We strongly condemn this latest attack against a member of the Philippine Bar.  The attempt against De la Cerna’s life reeks the brazenness of hired gunmen who continue to enjoy impunity from arrest and prosecution,” saad ni de Lima.

“Our authorities must ensure that the mastermind and the perpetrators of this dastardly act will be brought to justice, along with several other cases of killings and attacks against members of the law profession,” dagdag nito.

Iginiit ni de Lima na ang systematic attacks laban sa mga abogado ay nangangailangan ng agarang pagsisiyasat ng Senado.

“Hindi na biro ang mga nangyayaring ito. Panahon na upang magsagawa ang Senado ng malalimang imbestigasyon ukol sa nangyayaring karahasan laban sa ating mga abogado,” diin pa nito.

Simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte, nasa 41 judges, prosecutors at lawyers ang napatay batay sa tala ng National Union of People’s Lawyers.

Nais din ng senador na pabigatin ang multa sa mga krimen laban sa mga abogado.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 780, nais ni De Lima na isama ang mga krimen laban sa mga abogado at iba pang justice sector officials sa aggravating circumstance.

 

173

Related posts

Leave a Comment