(PHOTO BY MJ ROMERO)
PAPAUBOS na ang oras, dali-daling bumato ng isang three-point shot si Lenda Douanga. Pasok! Panalo ang Adamson University Soaring Falcons, 84-83 laban sa National University sa overtime game nila kahapon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Angat ang Bulldogs, 83-81 mula sa short stab ni Dave Ildefonso at halos abot-kamay na ang panalo sa huling 1.4 seconds ng overtime period.
Nagpasya si Adamson head coach Franz Pumaren na tumawag ng timeout.
Pagbalik ng laro, hindi nag-aksaya ng oras si Congolese slotman Douanga nang pagkatanggap ng bola mula sa inbound ay agad niya itong ipinukol sa basket.
Tumapos ang 6’10” na si Douanga na may 26 points, 19 rebounds at block, matapos ang 7-point production sa pagkatalo sa kamay ng Ateneo noong Miyerkoles.
Tumulong kay Douanga si skipper Simon Camacho na may 14 points, 11 rebounds at assist para sa Falcons.
May double digit din para sa Falcons sina Valandre Chauca, 13 puntos at sina Jerom Lastimosa at Jerrick Ahanmisi ay may tig-10 puntos.
“We don’t think it was a lucky shot. It was a designed play,” lahad ni Pumaren para sa unang panalo ng Adamson (1-1).
Si Ildefonso naman ang top scorer sa Bulldogs na may 29 points. (JOSEPH BONIFACIO)
Ang iskor:
ADAMSON 84 — Douanga 26, Camacho 14, Chauca 13, Lastimosa 10, Ahanmisi 10, Flowers 7, Zaldivar 2, Fermin 2, Bernardo 0, Yerro 0, Mojica 0, Manlapaz 0, Magbuhos 0.
NU 83 — D. Ildefonso 29, Gaye 16, Clemente 11, Oczon 7, Joson 5, S. Ildefonso 5, Mosqueda 3, Minerva 2, Mangayao 2, Diputado 2, Rangel 1, Tibayan 0, Yu 0, Gallego 0.
Quarterscores: 15-21, 31-30, 54-58, 74-74, 84-83.
141