EMERGENCY POWERS SA TRAFFIC, PAGKAKAKITAAN LANG?

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Marahil kaya gustung-gusto ng ilang mapagsamantalang negosyante at opisyal ng gobyerno ang pagbaba ng emergency powers on traffic dahil malaki ang kikitain nila sa mga kontratang kaugnay nito.

Mula pa 2016, ay tinutulak na ng ilang indibidwal ang emergency powers sa trapiko. Mayroon ba silang dahilan sa pagtutulak nito?

Kung ating susuriin ang Traffic Crisis Bill sa 17th Congress na bahagi ng panukalang emergency powers, makikita na magkakaroon ng malawakang tanggalan sa trabaho sa transport workers, malaking kapangyarihan para sa traffic chief, at ang posibleng pribatisasyon sa lahat ng mass transport. Masamang balita ito para sa mga ordinaryong mamamayan.

Lahat ng ito ay gagawin habang ‘di nila pipigilin ang pagdami pa ng pribadong sasakyan na bumabara sa major highways.

Ang unang mukha nito ay ang jeepney modernization, na magtatanggal ng trabaho at kabuhayan sa maraming maliliit na operator at driver. Pilit nilang tinatanggal sa daan ang mga dyip dahil may suppliers nang nakahanda na magbenta ng modern daw pero mahal na units, na kung ‘di kakayahin ng mga apektadong small operators at drivers, ay ang mga negosyante at malalaking fleet operators na ang makinabang.

Dapat masusing pag-aralan ang mga bagay na ito, dahil baka lalo lamang lumala ang problema sa trapiko, sa ngalan ng kita ng iilan. (Kakampi Mo ang Bayan / TEDDY CASIÑO)

152

Related posts

Leave a Comment