DISASTER DEPT. BILL UMARANGKADA NA

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL kabilang ang Pilipinas sa  bansa na nasa ‘top higher risk of disasters’, inarangkada na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtatag ng Department of Disaster Resilience.

Sa sponsporship message ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, hiniling nito sa kanyang mga kasamahan sa Kamara na pagtibayin na ang nasabing panukala upang mapaghanda at maiwasan ang mas malalang sakuna sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Velasco, sa pulong nila ni Dr. Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), lumalabas na ang Pilipinas ang isa sa mga top countries sa buong mundo na nanganganib umano sa mga kalamidad.

Kabilang sa mga bansang ito ay ang Bangladesh, Guatemala at  Brunei kaya mahalaga umano ang nasabing departamento kung saan pag-iisahin ang lahat ng ahensya na may kinalaman sa kalamidad.

“The country is host to 300 volcanoes of which 24 are active,  20 earthquakes are recorded by the Philippine Institute of Volcanology and Seismology everyday including some 90 destructive earthquakes and 40 tsunamis in the past 400 years,” ani Velasco na susunod na Speaker ng Kamara.

Lumabas din umano ang pag-aaral ng Philvocs na ang mga lugar ang high-risk umano sa intensity-8 earthquakes ay ang National Capital Region, Bulacan, Rizal at  Cavite habang ang Pampanga, Nueva Ecija, Quezon, Laguna at Batangas ay nasa lokasyon umano ng “low intensity-8 areas” sa ilalim ng  seismic map.

Maliban dito, tila nagiging normal na sa panahong ito ang palakas na palakas na mga bagyong dumarating sa bansa na hindi lang buhay ang sinisira kundi ang kabuhayan, ari-arian at imprastraktura.

Dahil dito, kailangan aniyang maging batas ang kanyang House Bill No. 3459 o “An Act Creating the Department of Disaster Resilience Defining its Powers And Functions, and Appropriating Funds Therefore”.

Sa ngayon ay iba-ibang ahensya ang naghahanda kapag panahon ng kalamidad at dahil dito, walang pagkakaisa at iisang programa kaya kailangan aniya ang nasabing departamento.

 

 

163

Related posts

Leave a Comment