(NI JG TUMBADO)
NASA mahigit 2,000 indibidwal o 480 pamilya ang apektado ng hagupit ng southwest monsoon o habagat na pinalakas ng tropical depression ‘Marilyn’.
Batay sa impormasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umiral ang habagat sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas region.
May kabuuang 2,360 indibidwal ang naitalang apektado ng naranasang pag-uulan bunsod ng habagat.
Nananatili ang 1,815 indibidwal sa itinalagang apat na evacuation center na ang ilan sa mga apektadong residente ay mula sa Region 9, 11 at 12.
Samantala, nawasak ang karamihan sa mga kabahayan sa bahagi ng South Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat dahil sa paghampas ng malalaking alon habang nagkaroon naman ng pagbabaha sa ilang lugar sa Region 3, 6 at 9.
389