UGNAYAN NG PORT OF CEBU AT KOREAN TOURISTS PINALALIM

UGNAYAN

Pinalalim pa ang ugnayan sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cebu at Korean tourists na patuloy ang pagdagsa sa lungsod.

Ito´y kasunod na rin sa isinagawang pakikipagpulong ni Cebu District Collector Atty. Martin Mendoza sa Consulate ng Republic of China kamakailan na pangunahing tinalakay ay ang kapakanan ng mga Korean tourist na pumupunta sa naturang lungsod.

Partikular na nakipagpulong kay Atty. Mendoza ay si Korean Consul General UHM Wonjae at  Consul and Police Attache OH Young Hun ng Consulate of Korea.

Nangyari ang pagpupulong noong Setyembre 11, 2019.

Tiniyak ni Mendoza na makikipag-ugnayan siya sa Consulate of Republic of Korea sa Cebu para sa kapakanan at kaligtasan ng South Korean tourists.

Ipinaalam din ni Mendoza sa Consul General UHM  ang mga proyekto at reporma na ipinatupad ng ahensya sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Samantala nagkaroon din ng pagpupulong  kamakailan si Mendoza at  1901st Ready Reserve Infantry Brigade sa pamumuno ni PBrigGen Erik Miguel Espina.

Sa pulong ipinaalam ni Espina ang kanilang aktibidades at community outreach programs.

Nangako naman si Mendoza na nakahanda silang makipagtulungan sa nasabing programa. (Boy Anacta)

172

Related posts

Leave a Comment