(PHOTO BY MJ ROMERO)
PINANGUNAHAN ni Jaycee Marcelino ang Lyceum of the Philippune University (LPU) Pirates tungo sa 85-83 panalo laban sa College of Saint Benilde Blazers kahapon sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan city.
Habang sinundan ng Mapua Cardinals ang malaking panalo noong Biyernes laban sa Letran Knights, nang talunin naman nito ang Emililo Aguinaldo College Generals, 79-76.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Pirates, kung saan ang third-year guard na si Marcelino ay bumato ng walo sa kanyang 22 points sa fourth period para angkoran ang 13-3 run ng Lyceum, 82-73 lead sa huling 1:23, matapos kunin ang Blazers ang 70-69 abante.
“We struggled a bit in the first half but we were able to pick it up. We just focused on making stops,” komento ni Lyceum coach Topex Robinson.
Nagdagdag si Mike Nzeusseu ng double-double output na 14 points at 10 rebounds, habang si Nino Ibanez ay may 11 points at seven rebounds sa panalo ng Pirates.
Mula sa 62-60 count sa 4th quarter pabor sa EAC, nagsanib-pwersa sina Noah Lugo at Laurenz Victoria sa 18-6 run para ibigay sa Mapuna ang 10-point advantage sa huling dalawang minute.
Nagawang sumagot ng Generals ng 8-0 run sa pamamagitan ni Marvin Taywan, para putulin ang abante ng Cardinals sa dalawa hanggang maubos ang oras.
Ang iskor:
LPU (85) — Jc. Marcelino 22, Nzeusseu 14, Ibañez 11, David 9, Jv. Marcelino 6, Tansingco 6, Caduyac 5, Navarro 5, Santos 5, Yong 2, Guinto 0, Valdez 0.
CSB (83) — Naboa 15, Belgica 12, Gutang 12, Nayve 10, Carlos 9, Young 9, Flores 4, Haruna 4, Dixon 3, Leutcheu 3, Lim 2, Lepalam 0.
Quarterscores: 16-14, 39-41, 69-66, 85-83
135