COLORUM POGOs MAS MARAMI SA LEGAL NA LISTAHAN NG PAGCOR

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAS maraming kolorum na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nag-ooperate sa bansa kumpara sa mga legal na binigyan ng lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Ito ang natuklasan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos makarating sa kanyang kaalaman na 46 sa 58 POGO na binigyan ng Pagcor ng lisensya ang hindi umano registrado bilang isang kumpanya o korporasyon.

“I may not be too accurate but I am certain that most if not all of the 46 POGOs have no legal personality because their names are not found in the business/company name registry in the Philippines or abroad,” ani Barbers.

Hindi na pinangalanan ng  mambabatas ang mga POGO na hindi rehistrado ang kanilang pangalan kaya nararapat umanong imbestigahan ito ng mga otoridad sa bansa.

“Para silang (POGOs) jeepney o bus na kolorum operators – yung mga bumibiyahe sa isang partikular na ruta pero walang prankisa mula sa LTO. These kolorum or ‘ghost’ POGOs operate in the Philippines but they are not registered in our country as a business entity,” ayon pa sa mambabatas.

331

Related posts

Leave a Comment