PAG-BAN SA FOREIGN PLAYERS SA COLLEGE LEAGUE INIHAIN SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA)

SA oras na maisabatas ay wala nang dayuhang manlalaro ang makapaglalaro sa mga college league.

Layon ng House Bill 388 na inihain ni House Deputy Speaker Mikee Romero na ipagbawal na ang pagre-recruit ng mga dayuhang manlalaro sa collegiate league upang mas mabigyang pagkakataon ang mga homegrown Pinoy na mas ma-develop pa ang kanilang galing sa basketball.

Ayon kay Romero, naging kaugalian na sa UAAP at NCAA na mag-imbita ng mga dayuhang players, ang resulta umano nito ay hindi nagkakaroon ng fair play at hindi naipo-promote ang sports sa bansa.

“I’ll be accused of being some kind of a killjoy, I am doing this for the good of Philippine basketball. I am not targeting any school here. All i want is to give our homegrown players the chance to improve and compete to the best of their ability. Acquiring foreigners is not only counter-productive but it is also more expensive to maintain a team,”paliwanag ni Romero.

Giit pa ni Romero na hindi pagdadamot ang kanyang isinusulong kundi ang mga Pinoy din ang nagiging biktima sa ganitong sistema.

“These foreign players have taken away playing time from Filipino players, so kung wala ng foreign players they will have to step up and deliver,” dagdag pa nito.

Pabor din si dating PBA legend Allan Caidic sa panukala, aniya, dahil sa mas matataas ang mga foreign players ay karaniwang napupunta din sa dayuhang manlalaro ang mga pagkilala gaya ng best players.

 

146

Related posts

Leave a Comment