(NI ANNIE PINEDA)
HINATULAN ng Sandiganbayan ng higit sa 104 na taon pagkakakulong ang dating alkalde dahil sa mga kasong graft at malversation.
Sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division, guilty si dating Ilocos Sur Sta. Catalina mayor Carlos Asuncion sa 8-bilang ng kasong graft at 4 na bilang ng kasong malversation of public funds.
Nag-ugat ang nasabing kaso nang magdonate umano ng P400,000 si Asuncion sa isang non-government organization na kinuha nito sa tobacco excise tax collection ng nasabing bayan.
Dahil dito, pinatawan ng 6 hanggang 10 taon na pagkakabilanggo si Asuncion sa bawat bilang ng kaso nitong graft samantalang anim na taon na pagkakabilanggo ang parusa nito sa bawat bilang ng kasong malversation.
Sinabi pa ng korte, bigo si Asuncion na idepensa ang sarili at naipakitang sapat na ebidensiya para pasinungalingan ang akusayon laban sa kanya.
Pinagbawal na rin humawak ng kahit na anong posisyon sa gobyerno ang dating alkalde.
Kasama rin sa mga pinatawan ay sina Mamelfa Amongol, Rosita Ragunjan, Virginia Rafanan at Genoveva Ragasa ng Bayanihan ng Kababaihan na kaparehong parusa at pinagbabayad ng P400, 000 na katumbas ng kanilang ginastos na pondo na galing sa municipal share sa tobacco excise tax collections ng bayan noong 2012 kahit hindi inaprubahan ng konseho o ng kahit anong budget ordinance.
Napatunayan din na ang Bayanihan ng Kababaihan ay hindi kasama sa mga magsasakang nagtatanim ng tabako.
143