‘GOBYERNO MAS PABOR SA CHINESE KAYSA PINOY’

alejano

(NI BERNARD TAGUINOD)

MALABONG masolusyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unemployment problem sa bansa dahil masyado siyang mapagbigay sa China na nangakong pauutangin siya para sa kanyang build-build-build program.

Ito ang kapwa ipinahayag nina Magdalo party-list Rep. Gary Alejano at Gabriela party Rep. Emmi de Jesus kasunod na report sa South China Morning Post na patuloy ang pagbaha ng Chinese workers sa Pilipinas.

Ginagawa aniya ito ni Duterte kahit mas mataas ang unemployment rate sa Pilipinas na umaabot sa 5.1%  kumpara sa China na 3.82% lang dahil nais lang nitong matuloy ang ipinangakong pautang sa kanya ng nasabing bansa.

Dahil dito, nangangamba ang mambabatas na hindi masosolusyunan ng Pangulo ang unemployment rate sa bansa kung saan umaabot sa 9.8 million dahil sa pagbibigay importansya sa China kapalit ng mga uutangin nito. Ganito din ang pinangangambahan ni De Jesus dahil napakaluwag aniya si Duterte sa Chinese workers na umaagaw ng trabaho sa mga Filipino lalo na sa construction industry.

 

119

Related posts

Leave a Comment