P30-K SAHOD NG MGA GOV’T NURSE NEXT YEAR NA

(NI BERNARD TAGUINOD)

KAUNTING panahon na lang at maibibigay na ang P30,531 na sahod ng mga nurse na nagtatrabaho, hindi lamang sa mga pampublikong pagamutan, kundi sa iba pang government health facilities.

Ito ang napag-alaman kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa press conference nitong Martes sa Kamara kaugnay ng nasabing sahod ng mga government nurse na inayunan kamakailan ng Korte Suprema.

“I am happy that no less than Speaker Alan Peter Cayetano, we ‘ve discussed this and he is already coordinating with Senator Bong Go. In fact, sinabi nya sa akin na,  “Tingnan natin kung ano ang possibility,” ani Defensor.

Dahil dito, kung hindi maihahabol ngayong taon, ay siguradong sa 2020 na maibibigay ang P30,531 na buwanang sahod ng mga government nurse sa buong bansa.

“We will be pushing for the increase, it will be either this year or next year,” ani Defensor.

Magugunita na pinaboran ng Korte Suprema ang petisyon ng mga government nurse na ipatupad ang Philippine Nursing Act of 2002 kung saan nakasaad na Salary Grade (SG) 15 ang kanilang buwanang sahod.

Sa ngayon ay SG 11 lamang ang entry level ng mga government Nurse o katumbas ng P20,754 na hindi na umano nakakasapat sa kanilang pangangailangan bukod sa overwork dang mga ito dahil sa dami ng pasyente sa mga pampublikong pagamutan.

Gayunpaman, hindi agad maibibigay ang sahod na ito ng mga nurse dahil hindi ito kasama sa pinondohan sa 2019 national budget kaya pipilitin umano ni Defensor na maipasa ang joint resolution para magkaroon ng supplemental funds tulad ng ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte nang doblehin nito ang sahod ng mga pulis at sundalo noong 2017.

162

Related posts

Leave a Comment