NAG-EENROL NG NURSING KAUNTI NA LANG

(NI BERNARD TAGUINOD)

PAKAUNTI nang pakaunti ang nag-aaral ng kursong nursing dahil sa kaliitan ng sahod ng mga ito, hindi lamang sa private hospital kundi sa mga pampublikong pagamutan sa bansa.

Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaya hindi lamang umano ang mga nurse sa mga gobyerno ang dapat tulungan kundi ang mga nasa pribadong pagamutan.

“Marami hong kawawa pa sa private sector, kasi sa private sector meron pa ho diyan P9,000 ang mga salaries,” ani Defensor kaya dapat umanong tulungan ang mga ito ng Kongreso.

Sa ngayon ay P20,000 lamang ang sahod ng mga nurse sa mga pampublikong pagamutan sa bansa.

“Kaya itong recent, talagang pabagsak ng pabagsak yung mga graduates natin sa nursing. Dati average ho natin diyan nasa 15,000 to 20,000. Ngayon nasa 9,000 na lang for the past two years ang gradutes natin,” ani Defensor.

Malaking kinalaman aniya ng napakaliit na sahod ng mga nurse sa bansa ang dahilan kung bakit nawawalan na ang gana ang mga kabataan na kumuha ng kursong nursing.

Dahil dito, mahalagang matulungan umano ang mga nurse sa mga pribadong pagamutan kaya ihinain ng Makabayan Bloc sa Kamara ang House Bill (HB) 5184 o An Act Providing For the Magna Carta of Private Health Workers para proteksyunan ang mga ito.

Sinabi Defensor na ilalaban umano ng mga ito na magkaroon ng supplemental budget para maibigay na ang P30,531 na buwanang sahod ng mga nurse sa mga government hospital matapos paboran ang mga ito ng Korte Suprema.

 

473

Related posts

Leave a Comment