NCRPO NAG-INSPEKSYON SA DIVISORIA VS ILEGAL NA PAPUTOK

illegal paputok

(Ni FRANCIS ATALIA)

ILANG araw bago ang selebrasyon ng Bagong Taon, nagsagawa ng inspeksyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga tindahan ng paputok sa Divisoria. Tinatayang nasa P30,000 na halaga ng mga illegal na paputok ang nakumpiska ng otoridad sa nasabing pamilihan.

Ang ilan sa binabantayan ng NCRPO na mga illegal na paputok ay ang piccolo, watusi, Giant Whistle Bomb, Giant Bawang, Large Judas Belt, Super Lolo o Thunder Lolo, Atomic Bomb o Atomic Big Triangulo, Pillbox, Boga, Kwiton, Goodbye Earth o Goodbye Bading, Hello Columbia, Coke In Can, Kabasi, Og at iba pang unlabeled at imported na paputok.

Pinaalalahanan naman ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, na ang sinumang mahuhuling magbebenta ng mga illegal na paputok ay makakansela ang lisensya at business permit. Bukod dito, pagmumultahin din ng aabot sa P20,000 hanggang P30,000 at pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon ang sinumang lalabag sa Republic Act No. 7183 o batas sa pag-manufacture, pagbenta at paggamit ng paputok.

361

Related posts

Leave a Comment