AMIHAN SEASON SIMULA NA — PAGASA

(NI DAHLIA S. ANIN)

OPISYAL  nang nagsimula ang tag-lamig o panahon ng Amihan/Northeast Monsoon sa bansa, ayon sa Pagasa.

“Sa mga darating na Lingggo at buwan ay posibleng makakaranas na tayo ng mas malamig na temperatura, mga mahihinang pag-ulan pero hindi parin natin niru-rule out ang posibilidad ng bagyo sa Nobyembre at Disyembre,” ayon kay Pagasa weather Specialist Chris Perez sa isang panayam.

Hindi pa tiyak ng ahensya kung kailan dadako sa Metro Manila ang Amihan.

“Una pong mararanasan muna natin yung colder early morning temperatures dito sa may bandang dulong Hilagang Luzon dahil sa ngayon yun pa lang yung extent ng Amihan na nakikita natin,” dagdag pa ni Perez.

Ang panahong ng Amihan ay kadalasang tumatagal hanggang kalagitnaan ng buwang ng Pebrero at kung minsan ay umaabot pa sa unang Linggo ng Marso ay magdadala ng mga mahinang pag-ulan.

Pinahihina din nito ang bagyo na tutungo sa direksyon ng Hilaga dahil sa mainit at basa-basang hangin na dala nito.

Samantala, isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng PAGASA at huli itong namataan sa layong 1, 395 kilometers Silangan-TimogSilangan ng Davao del Sur.

Kung sakali umanong pumasok sa PAR ang bagyo ay tutumbukin nito ang Central at Southern part ng ating bansa.

 

361

Related posts

Leave a Comment