(NI DAHLIA S. ANINA)
KINUMPIRMA ng Department of Health (DoH) ang ikatlong kaso ng polio sa bansa.
Isang batang apat na taong gulang mula sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao ang nagpositibo sa polio.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, wala umanong natanggap na bakuna ang bata kontra polio.
Naunang nagpakonsulta ang magulang ng bata sa Cotabato Regional Medical Center noong Setyembre at naitala na ang sakit nito ay acute flaccid paralysis.
Ipinadala naman ang sample ng dumi ng bata sa National Institute Infectious Disease-Japan upang masuri at nagpositibo ito sa Poliovirus 2.
Noong Setyembre lang ay kinumpirma ng DoH ang pagbabalik sa bansa ng Polio makalipas ang 19 taon na pagiging polio-free ng bansa.
137