PASA LOAD PROCUREMENT SA GOV’T PROJECTS HILING IPAGBAWAL

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT nang tapusin ng gobyerno ang salot na artipisyal na paggastos sa pamamagitan ng pagpigil sa paglilipat ng mga proyekto sa ibang ahensya ng pamahalaan para lamang maitago ang kabiguan na hindi paggastos sa pondo.

“Ang nangyayari kasi ngayon, para lang masabi na ‘obligated’ na ang allotment ay pinapasa ito sa ibang ahensya. Ginagawa ito upang maipagmalaki na obligated na ang isang pondo, at hindi na ma-revert back sa Treasury,” sabi ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto.

Ngunit sa katotohanan ay hindi nagagastos ang pondo at sa halip ay inilipat lamang sa ibang ahensya.

“This subverts the very essence of cash budgeting, which seeks to accelerate disbursement. This creates the illusion of money spent when what happened was the budgetary equivalent of passing the buck,” sabi nito.

Inihalimbawa nito ang kaso ng Armed Forces of the Philippines (AFP) o ng Philippine National Police (PNP) na bibili ng kagamitan na sa halip na mag-bid ay ipapasa na lamang ito sa Procurement Service ng DBM (PS-DBM) ang responsibilidad sa procurement.

“In the books of the AFP or PNP, the funds have been obligated, when in reality, they have not been. Ganoon din ang mga pondong inilaan sa DOTR. Ipapa-subcontract ang procurement. And in the report card, that money has been marked as obligated,” paliwanag ng senador.

Isa ang Philippine International Trading Corp. na paboritong imbakan umano ng mga naka-park na pondo.

“Ang tanong: Ano ang competence ng mga ahensyang ito to, say, conduct a due diligence-compliant procurement of highly-specialized goods like trains, ships, planes and automobiles?” pag-uusisa nito.

Isa pang halimbawa nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakararanas ng paghihirap sa paggastos ng pondo at naglilipat ng pondo sa ibang ahensya ng pamahalaan.

“Dapat matigil na ang ganitong “lateral transfer” of funds whose intent is to beat the clock, a pasa-load scheme to extend the life of an appropriation about to expire. Dapat gamitin ng parehong kapulungan ng Kongreso ang oversight powers nito during the budget implementation to determine the real status of an appropriation,” panawagan pa ni Recto.

 

130

Related posts

Leave a Comment