(NI BERNARD TAGUINOD)
Nanganganib na mapunta sa ibang kamay ang impormasyon hinggil sa High Value Target (HVTs) sa ilegal na droga kapag ibinigay ito kay Inter-agency committee on illegal drugs (ICAD) co-chairperson Leni Robredo.
Ito ang pinangangambahan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ni House committee on dangerous drugs chair Robert Ace Barbers kaya suportado ng mga ito na huwag i-release ng listahan ng HVTs kay Robredo.
“Should the HVT list fall on the wrong hands, it might compromise the investigation done on these people and jeopardize the success of the anti-drug campaign, or worse, pose a threat to national security,” ani Barbers.
Ito aniya ang iniiwasan kaya hindi na kailangan aniyang magkaroon ng listahan si Robredo dahil ang mga ganitong impormasyon ay highly classified at dapat umanong unawain ito ng ICAD co-chairperson.
Gayunpaman, sinabi ng mambabatas na hindi dapat ituring na hindi pagrespeto kay Robredo na huwag ibigay dito ang listahan ng HVTs dahil mayroong sinusunod aniya na SOP o standard operating procedure sa law enforcement operations.
Una rito ay humihingi umano ng listahan ng HVTs si Robredo kaya nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin niya ito kapag nalabas sa publiko ang impormasyong ito.
“While we all share the goal of eradicating narcotics and its sources here in the country, we should exercise due diligence and keep in mind that our national security should always be our paramount concern,” ayon pa kay Barbers.
372