OFW MAGKAKAROON NA NG OSPITAL

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGKAKAROON na ng sariling pagamutan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at maging ang kanilang mga pamilya matapos aprubahan sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala.

Walang tumutol nang isalang sa botohan ang House Bill 168 o “Overseas Filipino Workers Hospital Act” sa House committee on ways and means na magtatakda  ng pondo sa nasabing pagamutan.

Base sa nasabing panukala, magtatayo ang gobyerno ng ospital para sa mga OFWs at kanilang mga dependents na tututok sa kanilang mga medikal na pangangailangan.

Ayon kay House committee on health chairperson Angelina Tan, may akda sa nasabing panukala, kasama sina Cavite Rep. Strike Revilla at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, napakalaki ang naitutulong ng mga OFWs sa ekomiya ng bansa.

Patunay nito ang P205 Billion na remittance ng mga OFWs noong 2017 subalit hindi umano sapat ang ibinibigay na atensyon ng gobyerno sa kanila at pamilya na  medikal na pangangailangan.

“OFWs suffer from growing list of physical and mental health problem due to risk associated with the nature of their employment, “ ani Tan sa kanyang panukalang batas.

Sinabi ng mambabatas na isang doctor na 4 sa bawat 10 OFWs na inuwi ng gobyerno ay nangangailangan ng medical na atensyon at kailangang mai-confine sa pagamutan subalit walang ospital para rito.

“Many of them suffer from heart disease, stroke, pneumonia, cancer, kidney ailments and other illness requiring medical procedures and preventive and longtime care,” ani Tan kaya  kailangan aniyang magkaron ng sariling pagamutan ang mga OFWs.

 

352

Related posts

Leave a Comment