SUSPENSIYON SA RICE IMPORTATION BINAWI NI DU30

rice66

(NI CHRISTIAN  DALE)

BINAWI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kautusan nito na suspendihin ang rice importation ng bansa.

Nauna nang ipinag-utos ni Duterte ang pagsuspinde sa pag-angkat ng bigas sa panahon ng ani.

Sa talumpati ng Pangulo sa Sarangani Energy Corp. (SEC) 2 Power Plant
Inauguration and Launching of Siguil Hydrpower Project SEC Conference Room, Brgy. Kamanga, Maasim, Sarangani Province, sinabi nito na mali ang pagkakaunawa sa kanyang kautusan.

Aniya, ‘folly’ o kahangalan na ihinto ang rice importartion.

Sinabi pa nito na delikado na ipasuspinde ang pag-angkat ng bigas dahil na rin sa natural na nananalasa ang mga bagyo sa Pilipinas at sumisira sa lupang pansakahan.

“They can plant and harvest but it is always a contingent one in the Philippines. Now to say that you stop importation just because they’re going to produce the – projected number, that would be a folly because I said we are the window to the Pacific island. And you know there’s never a way of knowing how much typhoon would ravage our plant including the rice land and whether there would be a good harvest or not. So delikado ‘yan sabihin mo na — well I have been greatly misunderstood,” litaniya ng Pangulo.

Kapansin,pansin aniya na tila palagi na lamang mali ang pagkaunawa sa kanyang sinasabi.

Ani Duterte, kailangang mag-angkat dahil hindi kayang tugunan ng lokal na magsasaka ang kailangang bigas ng bansa.

“Sabagay, I have always been misunderstood. My presidency was a misunderstood venture. Ganun talaga. At ang sinabi ko, we have to import because the producer cannot fill up the requirements, it’s lacking,” ani pa ng Pangulo.

155

Related posts

Leave a Comment