PINSALA NI ‘USMAN’ SA AGRIKULTURA P300-M

Department of Agriculture-1

NAG-IWAN ng halos P300 milyong pinsala sa agrikultura ang pananalasa ng Bagyong Usman.

Ayon sa report ng Department of Agriculture (DA), labis na naapektuhan ang mga stock ng bigas na pumalo sa P266.98 million kung saan 9,622 rice farmers ang naperwisyo mula sa mga probinsiya ng Quezon, Oriental Mindoro, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, at Samar.

Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), sa kabuuan, 13,862 ektarya ng agricultural areas ang napinsala ng bagyo kung saan apektado ang 11,231 na mga magsasaka.

Tinatayang nasa P299.44 million naman ang halaga ng pinsala na may estimated volume na 9,606 metric tons.

Patuloy namang magbibigay ng update sa Tropical Depression ‘Usman’, na ngayon ay Low Pressure Area (LPA), ang DA-DRRM Operations Center.

147

Related posts

Leave a Comment