BUY AND SELL NG MGA SANGGOL, PINABUBUSISI 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

PINABUBUSISI ni Senador Leila de Lima sa Senado ang impormasyon hinggil sa malawakang bentahan ng mga bagong panganak na sanggol sa tinatawag na ‘underground black markets’ sa bansa.

Sinabi ni de Lima na nakababahala ang mga ganitong ulat dahil inilalagay nito sa panganib ang mga sanggol at posible silang maabuso.

Sa kanyang Senate Resolution (SR) No. 224, iginiit ng senador na dapat magsagawa ng imbestigasyon ang kaukulang Senate committee upang matukoy ang tinatawag na underground “babies-for-sale” trade sa online at offline transactions.

Inamin ni de Lima na bagama’t marami nang paraang ginagawa ang gobyerno at non-governmental organizations upang solusyunan ang illegal baby-for-sale trade, nananatili itong hindi nareresolba.

“Poverty remains to be one of the main drivers in the prevalence of such atrocious illegal activity, and the continued proliferation of appalling activities relating to the exploitation, trafficking and abuse of babies,” diin ni de Lima.

Sa impormasyon, nasa P300 lamang ang bentahan ng mga sanggol sa Southeast Asia, kabilang na ang Pilipinas.

Binigyang-diin ng senador na sa bansa ay madali lamang ang access ng publiko sa social media kaya’t nagiging mabilis ang transakyon.

Nagaganap naman anya ang offline transactions sa labas ng mga pampublikong ospital at sa slum communities kung saan 6 sa bawat 10 babae anya ang nagbebenta ng sanggol.

Matatandaang noong September 4 nasakote sa Ninoy Aquino International Airport  ang American citizen na si Jennifer Talbot nang tangkaing ipuslit ang six day old na sanggol.

“Assessments from experts point out that one of the problem areas that exacerbate the baby-for-sale trade is the adoption system in the Philippines. The current system is described to be tedious, multilayered, and highly bureaucratic, and even takes years to process,” diin ni de Lima.

Iginiit ni de Lima na dapat agad aksyunan ng gobyerno ang isyung ito upang hindi na kumalat pa.

“The State must ensure that in mobilizing government agencies in the creation of a peaceful environment that is free from crime and drugs, equal effort is exerted in protecting children and generations yet to come from predators that are operating in circumvention of and in violation of existing domestic and international laws,” giit nito.

 

149

Related posts

Leave a Comment