WOMEN’S BEACH VOLLEY, NAKA-BRONZE

(NI VT ROMANO)

HINDI hinayaan ng Philippine women’s beach volleyball team na mabokya sa medalya, nang dominahin nito ang Singapore at angkinin ang bronze medal sa Subic, Zambales kahapon.

Tinalo ng tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang pambato ng Singapore na sina Serene Ng at Ee Shan Lau, 21-17, 21-13 sa unang laro.

Sinundan ito ng panalo nina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez laban kina Eliza Chong at Gladys Lee, 21-18, 21-16.

Ang Pilipinas, sa pamamagitan nina Heidi Ilustre at Diane Pascua ay huling nanalo ng medalya sa beach volleyball noong 2005 SEA Games.

 

533

Related posts

Leave a Comment