(NI ABBY MENDOZA)
KASUNOD ng anunsyo ng Malacanang na makatataggap ng P3,000 bonus ang mga kawani ng barangay, isinusulong naman ng isang mambabatas na gawin nang buong taon ay Pasko para sa mga barangay workers sa pamamagitan ng pagbibigay ng GSIS coverage at regular salaries.
Ayon Isabela Rep Faustino Dy, dating Liga ng mga Barangay President at may akda ng House Bill 4324 o Magna Carta for the Barangays, malaking tulong sa mga kawani sa Barangay kung mayroon na itong regular na sahod. Sa katunayan umano ay daig pa ng mga nagtatrabaho sa barangay ang mga kawani ng gobyerno dahil ang mga ito umano at 24/7 na on call.
“It is time to treat barangay workers like full-time government employees because work in the barangay is a 24/7 job with no set hours.The least we can do is compensate them properly for their services, and to provide them the peace of mind that comes with GSIS coverage.” paliwanag ni Dy.
Nakapaloob sa Magna Carta for the Barangays na isinusulong ni Dy na taasan ang sweldo ng mga barangay official, ang mga Punong Barangay ay pinagbibigyan ng katumbas na sahod ng Sagguniang Bayan(SB) members na nasa Salary Grade 24 hanggang 27.
Ang mga Sangguniang Barangay member ay 80% ng sweldo ng SB members, ang mga Barangay Secretary at Barangay Treasurer ay katumbas naman ng 75% ng sweldo ng SB member.
Sa kasalukuyang sistema, ang mga barangay official ay nakatatanggap ng sweldo sa pamamagitan ng honorarium, P1,000 kada buwan para Punong Barangay habang P600 kada buwan naman para sa mga Sangguniang Barangay members, Barangay Treasurer at Barangay Secretary.
148