(NI ABBY MENDOZA) KASUNOD ng anunsyo ng Malacanang na makatataggap ng P3,000 bonus ang mga kawani ng barangay, isinusulong naman ng isang mambabatas na gawin nang buong taon ay Pasko para sa mga barangay workers sa pamamagitan ng pagbibigay ng GSIS coverage at regular salaries. Ayon Isabela Rep Faustino Dy, dating Liga ng mga Barangay President at may akda ng House Bill 4324 o Magna Carta for the Barangays, malaking tulong sa mga kawani sa Barangay kung mayroon na itong regular na sahod. Sa katunayan umano ay daig pa ng…
Read MoreTag: gsis
BARANGAY OFFICIALS PLANONG IPASOK SA GSIS
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG magkaroon ng pensiyon pagkatapos magsilbi sa kanilang mga barangay, nais ng ilang kongresista na ipasok o mag-miyembro sa Government Service Insurance System (GSIS) ang mga barangay officials. Ito ang nabatid kay House Deputy Speaker Raneo Abu, ng Batangas, dahil tanging ang mga barangay officials ang hindi pa miyembro ng GSIS gayong itinuturing ang mga ito na empleyado ng estado. “Sila (barangay officials) na lang ang hindi member ng GSIS kaya gusto ko sana, gawin silang member para kapag nagretire na sila mayroon silang matatanggap na pensiyon,”…
Read More13TH,14TH MONTH PAY SA SSS, GSIS PENSIONER, IGINIIT
(NI BERNARD TAGUINOD) BUKOD sa buwanang pensyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ay makatatanggap na rin ang mga ito ng 13th at 14th month pay bilang bonus mula sa kanilang kontribusyon sa mga nabanggit na insurance fund. Ito ang nakapaloob sa House 1096 na iniakda ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo upang higit na matulungan umano ang mga retirees, hindi lamang sa mga government service kundi sa pribadong sektor. Ang mga SSS members ay mga nagtatrabaho sa pribadong sektor habang nagsilbi naman sa…
Read MoreDU30 UMAMIN; SINIBAK, ‘DI NAG-RESIGN SI ARANAS
(NI BETH JULIAN) INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya sa puwesto si GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas. Ito ang inihayag sa talumpati sa isang okasyon sa Leyte, Biyernes ng hapon. Ang pag-amin ng Pangulo ay taliwas naman sa naunang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi pinagbitiw ng Pangulo si Aranas at ikinatwirang kusa itong nag-resign dahil sa personal na dahilan. Kasabay nito, sinabi pa ng Pangulo na mayroon pang nakalinyang sisibakin na opisyal sa Bureau of Customs (BoC). Matatandaan na biglang naghain ng…
Read MoreRESIGNATION NI ARANAS TINANGGAP NI DU30
(NI BETH JULIAN) TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas. Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ngayong Miyerkoles. Kamakalawa ng hapon nang maisumite na sa tanggapan ng Office of the President ang pagbibitiw sa puwesto ni Aranas. Wala naman ibinigay na dahilan ang Palasyo sa pagbibitiw ni Aranas at tinanggap na ito ng Pangulo. Sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na pangalan ang Malacanang kung sino ang papalit kay Aranas. Base sa liham ng pagbibitiw ni…
Read MoreGSIS GM NAG-RESIGN; ‘DI KO ISINUKO ANG INTEGRIDAD KO — ARANAS
(NI BETH JULIAN) NAGBITIW na sa puwesto si Government Service Insurance System (GSIS) President at General Manager Jesus Clint Aranas sa paniniwalaang ito ang kanyang nararapat gawin matapos paglingkuran umano nang buong tapat ang kanyang pamunuan. Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagbibitiw ni Aranas ngunit hindi pa malinaw kung tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation. Bagaman wala namang ibinigay na dahilan ang Malacanang sa pagbibitiw, nakapaloob sa liham ni Aranas na sinunod niya ang batas at hindi isinuko ang kanyang integridad. “I resign, secure in the knowledge…
Read MoreDAGDAG 1K SA GSIS PENSIONER, PWD
MAGANDANG balita sa mga pensiyonado at people with disabilities (PWDs) ng Government Service Insurance System (GSIS). Magkakaroon ng dagdag na P1,000 ang pensiyong matatanggap ng mga retirado at persons with disability, ayon sa pangulo ng ahensiya. Ayon kay GSIS President Jesus Clint Aranas, target nilang mailabas sa susunod na buwan hanggang Marso ang resolusyong magtataas sa minimum basic pension sa P6,000 mula P5,000. “As long as it does not affect our fund life, increase kami so we already passed a resolution increasing it, mararamdaman na ng mga pensioner namin,” sabi…
Read More