BARRETTOS PASOK SA MGA TSISMOSO SA GOOGLE

barretto12

(NI BEN BAÑARES)

SINU-sino ang mga sinearch ng mga Pinoy nitong taon? Ikaw, sino ang sinearch mo? Nandito kaya sa listahan na ito ang iyong top choices? Tignan natin. Sa listahan na inilabas ng Google noong Biyernes, December 13, ang mga sumusunod ang nakasama.

Para sa mga female personalities, pasok sa Top 10 ang Barretto sisters na sina Gretchen (#2 sa list), Marjorie (#4) at ang anak niyang si Julia (#6). Parang nakakapagtakang wala sa listahan si Claudine, no?

Dalawang “pasabog” ang dahilan ng pagkakasama ng mga Barretto sa listahan. Una ay noong July nang maidawit ang pangalan ni Julia sa “ghosting” breakup nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Umugong kasi na si Julia RAW ang dahilan ng hiwalayang ito.

October naman umingay muli ang awayan ng magkakapatid bago at matapos mamatay ang Barretto patriarch na si Miguel (Mike). May mga iba pang personalidad na nadawit ang pangalan dahil sa gulong ito – at pati ang Pangulong Rodrigo Duterte ay na-“extra” nang mangyari ang eskandalo sa lamay mismo ni Mr. Mike.

These two events were enough to make Pinoys search for these Barretto protagonists in the past year.

Pero sino ang nasa #1 ng listahan?

Ito’y walang iba kundi ang bagong Darna na si Jane de Leon. Nabigla ang lahat nang i-announce ng Kapamilya Network noong mid-July na nakapili na nga sila ng kapalit ni Liza Soberano na sumalang sa finger surgery sa Amerika. Tinalo ni Jane ang 300 wannabes.

Dalawang beauty queens ang nakasama sa Top 10. Nasa #3 si Gazini Ganados na kasasalang lang sa Miss Universe pageant noong December 9, at si 2018 Miss Universe Catriona Gray na nasa #5.

Rounding up the Top 10 are: “Bad Guy” singer-songwriter Billie Eilish (#7), actress and internet star Jelai Andres (#8), actress and filmmaker Brie Larson (#9), and British singer and Charlie’s Angels actress Naomi Scott (#10).

MAYOR VICO DINAIG SI YORME ISKO

Sa listahan naman ng mga kalalakihan, nasa #1 ang Filipino boy group na SB19 na nag-train sa Korean entertainment company na ShowBT. Kinabibilangan ito ng limang members: Sejun, Justin, Stell, Josh Ken. Nag-viral ang video nila noong September 2 dahil sa grabeng synchronized moves nila.

Dalawang mayors ng Metro Manila ang pasok din sa listahan. Nasa #2 si Pasig Mayor Vico Sotto at nasa #4 naman ang yorme ng Maynila na si Isko Moreno.

Pasok sa #3 ang controversial actor na si Gerald Anderson. Hindi na siguro nakakapagtaka na nasama siya sa listahang ito.

Roundin up the Top 10 are: Internet star and make-up artist James Charles (#5), Joker star Joaquin Phoenix (#6), singer-songwriter Bamboo Mañalac (#7), former macho dancer turned viral internet sensation Dante Gulapa (#8), Vice Ganda’s partner Ion Perez (#9) at “Buwan” singer Juan Karlos (#10).

MOST SEARCHED MOVIES

Pagdating naman sa movies, ang mga sumusunod ang most searched ng mga Pinoys (from #1 to 10): 1.Avengers: Endgame; Hello, Love, Goodbye; Captain Marvel; John Wick 3; Bird Box; Frozen 2; Aladdin; Weathering With You; Aquaman; Alita: Battle Angel

MOST SEARCHED TV SHOWS

Ito naman ang mga TV shows na sinearch ng mga Pinoy nitong 2019. Ang Top 2 ay parehong talent search: Isa sa Kapamilya Network at isa sa Kapuso Network: 1.”Idol Philippines” (ABS-CBN); 2. “StarStruck” (GMA-7); 3.  “Hotel del Luna” (ABS-CBN); 4. “Kadenang Ginto” (ABS-CBN); 5. “I Have a Lover” (ABS-CBN); 6. “Game of Thrones” (HBO); 7. “The Voice Kids” (ABS-CBN); 8. “Money Heist” (Netflix); 9. “One Punch Man”; 10. American Music Awards

154

Related posts

Leave a Comment