(NI ANN ENCARNACION)
HANGAD ng Philippine Sports Commission (PSC) na maipatupad ang Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act sa pagpasok ng Bagong Taon.
Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, batid niya ang hangarin ng mga atletang Pinoy na matulungan ang kanilang pamilya kaya’t marapat lang na maibigay ang mga nakalaang insentibo sa kanila upang maibahagi nila ito sa kanilang pamilya sa pagpasok ng taong 2020.
Nais ng PSC chair na ma-enjoy din ng mga atleta ang discount sa mga pagkain, at mga serbisyo gaya sa transportation, hotels and restaurants, recreation centers, at pagbili ng medicines at sports equipment sa buong Pilipinas na nakapaloob din sa RA10699.
“Rest assured that we are doing what we can,coordinating with the concerned government agencies to effect the fullimplementation of the National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act,” ani Ramirez.
“We hope for the full implementation by the first quarter of 2020 so our athletes couldswiftly avail of the benefits,” dagdag niya.
Nauna nang inireklamo ni Philippine Olympic Commission (POC) head Nikko Huelgas ang hindi pagpapatupad sa nilalaman ng batas hinggil sa discount ng mga atleta at coaches na nanalo sa international competitions gaya ng nakaraang Southeast Asian Games.
Mas lalo itong pinagusapan nang mag-tweet si 30th SEAG double gold medalist Agatha Wong hinggil sa kawalan ng ngipin ng naturang batas.
Ayon kay Wong, bagama’t may umiiral na batas hinggil sa pagbibigay ng discount sa mga atleta sa ilalim ng RA 10699, hindi alam o sadyang hindi ipinatutupad ng mga establisimyento.
Iginiit ni Ramirez na nakikipagpulong na ang PSC sa Bureau of Internal Revenue sapul pa noong Pebrero para sa implementasyon ng batas.
“We are now just awaiting the issuance of a Revenue Regulation by the BIR on the final implementation of RA 10699, Sec. 4 and 5,” paliwanag ni Ramirez.
151