BUMULAGTANG walang buhay ang isang hinihinalang holdaper habang nakatakas naman ang kasamahan nito matapos na manlaban sa mga awtoridad kaninang madaling araw sa lungsod ng Quezon.
Inilarawan ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/Brig. Gen. Ronnie Montejo, ang napatay na holdaper na may taas na 5’1″, slim built, fair complexioned, may tattoo na “RAD somo”, “VICTOR, Ely Roy”, at “Sputnik” sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakasuot ng itim na t-shirt, grey pants, red slippers, itim na mask at arm sleeves.
Base sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang mangyari ang shootout sa Phase 2, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B ng nabanggit na lungsod.
Nauna rito, hinoldap ng suspek at kanyang angkas sa motorsiklo, ang biktimang si Rachelle Plaza Pardillo, 21, bank teller ng Banco De Oro (BDO) at residente ng Phase 3, Blk. 7, Lot 836, Lupang Pangako, Brgy. Payatas.
Nagkataong nagpapatrulya ang mga tauhan ng QCPD Batasan Police Station 6, sa lugar kaya mabilis na nagresponde at hinabol ang papatakas na mga suspek.
Bunsod nito, nagkaroon ng “running gun battle” na nagresulta ng pagkamatay ng isa habang nakatakas ang kasama nito.
Nabawi ng pulisya ang mga personal na gamit ng bank teller, kabilang ang mga ATM card nito, P4,697cash at iba pang kagamitan. (TJ DELOS REYES)
162