GINAGAMIT umano ng sindikato sa kanilang multi-million donation scam ang pangalan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para makapangalap ng pera sa pamamagitan ng text messaging.
Nabulgar sa publiko ang modus operandi ng sindikato matapos na maglabas ng babala ang ilang telecommunication company sa bansa na nagsasabing huwag maniwala sa text na nanghihingi ng donasyon para kay Cardinal Tagle sapagkat iyon ay ‘scam’.
Sa mensahe ng Globe at TM sa milyon-milyon nilang subscriber, nilinaw nito na modus at peke ang donation drive na kumakalat sa pamamagitan ng text message.
Nabatid na itinaon ng sindikato ang pagpapakalat ng mga text messages kasabay ng nakatakdang pagtungo ni Cardinal Tagle sa Vatican City sa susunod na buwan.
Si Cardinal Tagle, chair ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ay itinalaga bilang “Red Pope”, isang posisyon na ang katumbas ay Cabinet Secretary sa Roman Pontiff. (JESSE KABEL)
119