NAGBABALA si ACT-CIS Party-list Representative Nina Taduran sa mga negosyante na huwag samantalahin ang sitwasyon sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal dahil maaari silang makulong at magmulta.
Inabisuhan ng mambabatas ang mga may-ari ng pharmacies, groceries, hardwares, tindahan at iba pa na huwag magsamantala sa pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng Bulkang Taal sa Batanggas.
Bukod sa babala ni House Asst. Majority Foorleader Rep. Taduran ay nanawagan din ito sa mga water conces-sionaire na tiyaking walang water shortage sa gitna ng sitwasyon.
Ayon kay Rep. Taduran, nakarating sa kanyang kaalaman na may mga nananamantala at nagbebenta nang mas mahal na face mask tulad na lamang umano ng N95 mask na umaabot na sa P200 ang halaga at itinatago pa ng ibang negosyante.
Babala ng mambabatas, ang mahuhuling nagbebenta ng labis-labis ay maaaring maharap sa isang taong pagkaka-bilanggo at pagmumultahin ng higit P10,000 base sa rin sa Consumer Law.
Kaugnay nito, nakatakdang magtungo sa mga evacuation center sa Batangas ang buong puwersa ng ACT-CIS para mamahagi ng relief goods kabilang na ang face masks. Aalamin din ng mambabatas kung hindi naapektu-han ng ibinugang abo ng bulkan ang tubig na isinusuplay hindi lang sa Calabarzon at Metro Manila kundi mag-ing sa Region 3.
Donasyon ng pulis
Samantala, hinikayat ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Archie Gamboa ang lahat ng kanil-ang mga miyembro, partikular ang matataas na opisyal na boluntaryong magbigay tig-P10 bilang donasyon sa mga biktima ng Bulkang Taal sa Batangas.
Welcome naman kay Gamboa kung mag-donate nang mas malaking halaga ang mga heneral at iba pang matataas na opisyal, dahil mas malaki naman ang kanilang sinasahod.
Nauna nang ginawa ni Gamboa ang ganitong hakbang nang yanigin ng malakas na lindol ang Cotabato at Da-vao sa Mindanao kung saan nakalikom sila ng P3 milyon.
Inaasahan ng opisyal na muli silang makalilikom ng nasabing halaga para itulong sa mga biktima ng Taal, kasa-bay ang paglilinaw na sa pagkakataong ito ay eksklusibo sa mga biktimang sibilyan ang kanilang malilikom. (CESAR BARQUILLA, NICK ECHEVARRIA)
137