NABAWASAN pa ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa pahayag ng PAGASA Hydrology Division, bumaba sa 203.97 metro ang antas ng tubig sa nasabing dam na kanilang naitala pasado alas-6:00 ng umaga nitong Sabado.
Mas mababa umano ito kumpara sa 204.03 metro noong araw ng Biyernes.
Bukod dito, nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.
Tanging nadagdagan ang tubig sa Binga Dam.
Nananatili naman sa 101.10 metro ang antas ng tubig sa Ipo Dam.
Paliwanag pa ng PAGASA, kung hindi magkakaroon ng pag-uulan sa susunod na mga araw sa mga apektadong dam ay posible pa umanong mabawasan pa ang mga tubig doon. (JG TUMBADO)
145