PANININGIL NG BUWIS SA BATANGAS SINUSPINDE

bir1

SINUSPINDE ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paniningil nito ng buwis sa buong lalawigan ng Batangas sa gitna ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Batay ito sa ipinalabas na Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 7-2020 ni Internal Revenue Commissioner Caesar R. Dulay.

Kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity ang Batangas at mayorya ng mga bayan at lungsod nito ay apektado. May deadline na hinahabol ngayong Enero para sa paghahain at pagbabayad ng income tax return sa BIR.

“In view of the announcement of Batangas Gov. Mark Leviste, declaring the province of Batangas under the state of calamity due to the recent volcanic eruption of the Taal Volcano affecting numerous cities, towns, and municipalities in its vicinity, this office found it proper to suspend the deadlines for the month of January, on the filing and payment of tax returns in the area until such time that the situation returns to normal,” saad sa memorandum.

Tiniyak pa ng BIR na hindi sila maniningil ng anomang dagdag na multa dahil sa late filing o late payments sa dalawang regional offices nito sa lalawigan. JG TUMBADO

132

Related posts

Leave a Comment