GANTI SA PANANAPAK NG ANAK; 20-ANYOS KRITIKAL SA TAGA NG AMA

CAPIZ – Kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isang 20-anyos na binata makaraang tagain ng kanyang ama bilang ganti umano sa pananapak ng biktima habang sila ay nag-iinuman, iniulat nitong Huwebes ng gabi sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Kyle Bryan Diaz, habang nadakip naman ang ama nitong si Gesal Diaz, 45-anyos, kapwa residente ng Barangay Centro, Dao, Capiz.

Batay sa report ng Dao Police Station, nangyari ang insidente sa ng bahay ng mag-ama habang sila ay nag-iinuman.

Nang malasing umano ang dalawa ay bigla na lamang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Nagdilim umano ang paningin ng batang Diaz kaya sinapak sa mukha ang ama.

Sa tindi ng galit ng ama, kumuha ito ng itak at dalawang beses na tinaga sa ulo ang biktima.

Agad namang dinala sa ospital ang batang Diaz para lapatan ng lunas habang dinakip ng mga awtoridad ang suspek. (ANNIE PINEDA)

 

364

Related posts

Leave a Comment