(NI CARL REFORSADO)
SI Emmanuel Judavar umano ang nararapat na tumanggap ng P50 milyon reward money sa Batocabe case ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde dahil ito ang pagunahing witness upang makilala ang mga suspek gayundin ang mastermind ng pagpatay.
Actually sya ang nagwitness una kaya sya ang tatanggap ng lahat doon sa ibibigay na reward kung kailan man ibibigay yung reward na iyon. Not necessarily, hindi ko alam kung para sa kanya lahat yun,
napakalaking halaga naman nun pero sya ang tatanggap doon sa ibibigay na reward,” saad ni Albayalde sa isinagawang press conference kahapon sa Camp Crame.
“Judavar tipped off seven suspects, including alleged mastermind Daraga Mayor Carlwyn Baldo, to the police,” dagdag pa ni Albayalde.
Umusad din umano ang kaso sa Batocabe slay dahil kay Judavar, dahilan upang isa-isang malaglag sa kamay ng batas ang anim na gun for hire na umanoy ginamit ni Mayor Baldo sa pagpatay kay Batocabe na ikinasawi din ng police aide nitong si SPO2 Orlando Diaz.
Ang anim na mga suspek na sangkot sa pagpatay kay Batocabe at nasa kostudiya na ngayon ng pulisya ay nakilalang sina Henry Yuson, Emmanuel Rosillo, Christopher Naval, 36, Danilo Muella, Jawin Babor, at Rolando Arimando, ang mga ito ay pawang mga confidential staff ni Mayor Baldo at sumasahod ng P7,000 kada buwan bilang mga empleyado ng munisipyo ng Daraga sa ilalim ng office of the Mayor.
Iiisa ang itinuturong mastermind ng mga ito na walang iba kundi sa Mayor Baldo, na base sa kanilang salaysay ay pinangakuan sila ng halagang P5 milyon upang itumba si Batocabe.
Napag-alaman pa rin kay Judavar na kasama siya sa orihinal na plano ng pagpatay kay Batocabe subalit kalaunan ay hindi na siya sumama ng aktuwal na isagawa ang krimen.
111