Ikakasa ng mga magsasasaka 100K SIGNATURE VS RICE TARIFF LAW

MULING mangangalap ng karagdagang 100,000 lagda ang grupo ng mga magsasaka matapos hindi matinag ang pamahalaan sa 50,000 signature para ipabasura ang Republic Act (RA) 111203 o Rice Liberalization Law na kilala rin bilang Rice Tariffication Law.

Itataon ang pangangalap ng lagda sa Araw ng mga Puso sa Pebrero 14, o isang araw bago ang unang taon nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas noong Pebrero 15, 2019.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, unang nangalap ang grupo ng mga magsasaka ng 50,000 lagda noong nakaraang taon para suportahan ang pagbasura sa nasabing batas.

Naisumite na ito sa mga lider ng Senado at Kamara subalit walang pagkilos para amyendahan ang nasabing batas na naging daan para lalong malugmok sa hirap ang mga magsasaka.

Dahil dito, mangangalap umano ang mga magsasaka ng panibagong 100,000 lagda at sisimulan ito kasabay ng One Billion Rising campaign sa Pebrero 14 kung saan sentro rin ng pagkilos na ito ang kampanya laban sa nasabing batas.

“As we launch this year’s One Billion Rising campaign on February 14, let us amplify our call to end unlimited rice importation and support our own rice agriculture products and livelihood,” ani Brosas.

Umapela rin si Amihan Secretary General Cathy Estavillo sa mga Filipino na umaksyon laban sa Rice Tariffication Law upang ibangon ang mga magsasaka na lalong pinahirap ng nasabing batas. BERNARD TAGUINOD

126

Related posts

Leave a Comment