FIGHT PLAN NI PACQUIAO: ‘AWAY KALYE’

pacman200

(NI VIRGI T. ROMANO/PHOTO BY WENDELL ALINEA/MP PROMOTIONS

LOS ANGELES, CA. — “Kailangan sa round 1 to 6 apurahin na ni Manny. Away-kalye dapat gawin niya.”

Ito ang mga katagang binitiwan ni Buboy Fernandez hinggil sa strategy na gagawin ni Pacquiao sa pakikipagbakbakan ay Adrien Broner sa Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Sa media day na ginanap, Miyerkoles sa Wild Card Boxing Club dito, sinabi ni Fernandez, paulit-ulit nilang ineensayo na hindi pupuwedeng maghintay si Pacquiao kay Broner, kinakailangang si Pacquiao ang laging mauuna, lalo na sa unang anim na rounds.

“Pinag-aralan na namin si Broner, kapag tumitig ka sa kanya, hindi puwedeng puro porma, tapos ka,” ani Fernandez, na binanggit sina Marcos Maidana at Mikey Garcia sa istilong ginamit para talunin si Broner.

Dagdag pa ni Fernandez, dahil ang istilo ni Broner ay ‘slow starter’ kaya dapat samantalahin ni Pacquiao iyon.

“Slow starter si Broner, parang diesel, habang tumatagal nag-iinit, e hindi na dapat hintaying mag-init, dapat unahan na ng unahan,” lahad pa ni Fernandez.

May isparing pa si Pacquiao hanggang araw ng Sabado, magpapahinga ng Linggo at huling ensayo sa Lunes ng tanghali bago bumiyahe papuntang Las Vegas ang buong entourage.

Ito ang pagbabalik ni Pacquiao sa Las Vegas, matapos ang dalawang taon sapul nang huling lumaban at talunin si Jessie Vargas noong 2016.

Samantala, sa panig naman ni Hall-of-Fame trainer Freddie Roach, pinabilib na naman umano siya ni Pacquiao sa ipinapamalas nito sa training, na tila walang kapaguran at hindi halatang 40 anyos na ito.

“His routine and attitude in training is still the same like when he was ten years younger,” ani Roach, na itinalagang training consultant ni Pacquiao. “He hasn’t changed a bit and he’s even having more powerful punches, and that’s good.”

165

Related posts

Leave a Comment