3K CHINESE MAG-EESPIYA SA PINAS

Esperon kinalampag sa pagdagsa ng sundalong Tsino

Hiniling ni Senador Panfilo Lacson sa National Security Council (NSC) na imbestigahan ang pagpasok ng mahigit 3,000 miyembro ng People’s Liberation Army (PLAs) sa bansa na hinihiling magsasagawa ng immersion mission.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson, dating hepe ng Philippine National Police (PNP), kailangan paimbestigahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang ulat na umabot na sa 2,000 hanggang 3,000 miyembro ng PLAs ang nakapasok sa Pilipinas.

Sinabi ni Lacson na may natanggap siyang ulat mula sa “reliable sources” na nakapasok sa bansa ang naturang bilang ng Chinese army na kailangan suriin o i-validate ng intelligence community.

Aniya, ibinigay nito ang impormasyon kay Senador Richard Gordon upang maisama sa isasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa money laundering at iba pang krimen ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

“Kailangan invalidate natin. Hindi naman ito confirmed and I urge the intelligence community to confirm,” pahayag ng senador.

Isa ang PLA sa may pinakamalaking puwersa ng militar sa buong bansa na pinagsanib ang lahat ng tauhan nito.

Ayon kay Lacson, posibleng magsagawa ng immersion mission ang PLA members pero hindi alam kung ano ang eksaktong dahilan.

Nitong nakaraang linggo, natagpuan ng pulisya ang isang PLA ID sa dalawang Chinese na suspek sa pagpatay sa kapwa nila Chinese na si Yin JIan Tao na binaril sa loob ng isang VIP room sa isang restoran sa Makati.

Naunang ibinabala ni Gordon na dumami ang bilang ng Chinese na nagpapasok ng dolyar sa bansa mula Disyembre 2019 hanggang Pebrero na umabot na sa mahigit $160 milyon.

Naniniwala si Gordon na maaaring gamitin ang naturang salapi upang bumuo ng “5th column” ang PLA sa bansa na sekretong nakikipagtulungan sa kalaban ng bansa.

Aniya, dapat imbestigahan ng awtoridad ang pagkakadiskubre ng PLA IDs sa mga Chinese suspects dahil tila mga sundalong espiya ang mga ito sa bansa. ESTONG REYES

 

 

 

179

Related posts

Leave a Comment