AMLA AAMYENDAHAN SA SENADO

pinglacson12

Prebilehiyo ng mga politiko sa bank secrecy act alisin

NAIS ni Senador Panfilo Lacson na maamyendahan ang Anti-Money Laundering Act (AMLA) bunga ng kawalan nito nang ngipin upang mabatid kung sino ang mga nakinabang sa pagpasok ng milyong dolyar mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Kasabay nito, nagpahayag nang pagnanais si Lacson na magtulungan ang Ehekutibo at Lehislatibo upang maging maayos ang pagpapatupad ng nasabing batas.

Sinabi ni Lacson na ilan sa nakikita nyang solusyon ang pagrebisa sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) at Bank Secrecy Law na lubhang ginagamit ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan upang itago ang ninakaw sa bayan tulad ng “Pastillas” scheme sa Bureau of Immigration (BI).

“The bringing of huge sums of money in and out of the country in past months with seeming impunity indicates the urgent need for action from our government, not just by the Executive but also by the Legislative,” ayon kay Lacson.

“Our authorities should keep up with, if not keep one step ahead of, criminals who are trying to do the same,” dagdag ng senador.

Aniya, may pangangailangan na tugunan ang korapsyon na isang sa pinakamalaking dahilan para sa awtoridad upang kunsintihin ang money laundering, mayroon din na pangangailangan na tingnan ang mga puwang sa umiiral na batas.

Kasabay ng pag-amiyenda sa AMLA nais din ng senador na alisin sa lahat ng public servants at politiko ang pribilehiyo nito sa Bank Secrecy Act.

“On the other hand, the amendments to these laws should also make sure that they cannot be weaponized for political purposes. Speaking from experience, I have been at the receiving end of such abuse of the law by the likes of Ador Mawanay, Mary “Rosebud” Ong, Victor Corpus and the Arroyos, who prompted me to waive my rights under the Bank Secrecy Law and challenged them to withdraw all the dollars they claimed I owned,” dagdag paliwanag pa ni Lacson. ESTONG REYES

 

182

Related posts

Leave a Comment