COVID-19 NAIPAPASA SA HANGIN – REP. GARIN

MALAKI ang posibilidad na mahawa ang mga healthcare worker (HCWs) sa COVID-19 matapos kumpirmahin ng World Health Organization (WHO) na airbone ang transmittal
ng COVID-19.

Ito ang nabatid kay dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin kaya lalong dapat makipagtulungan ang mga publiko upang hindi makahawa lalo na’t
kinumpirma ng WHO na nagtatagal ng hanggang walong oras sa hangin ang COVID-19.

“Our experience re MERSCOV and EBOLA, maraming health workers ang nahahawa. Example, when the Philippines merscov patient in 2015 got admitted, pangalawangpasyente ‘yung doctor niya and the third patient ‘yung utility worker,” ani Garin.

Madaling nahahawa aniya ang mga health worker dahil sa kanilang close contact sa mga pasyente lalo na sa intubation period kaya kailangan ng mga HCW ang suporta ng
mamamayan upang huwag nang madagdagan ang mga pasyente.

Hindi na aniya ito bago sa health service lalo na kung ang pasyente ay may malalala o severe pneumonia kaya laging nanganganib ang kalusugan ng mga health worker.

Dahil dito, hangga’t maaari aniya ay iniiwasan ng mga health worker na pag-usapan ang aiborne upang hindi magkaroon ng panic kaya ang ginagawa na lamang ng mga
ospital ay nagdi-disinfect agad lalo na sa Intensive Care Unit (ICU) at emergency rooms kapag may namatay na pasyente sa ganitong uri ng virus. BERNARD TAGUINOD

138

Related posts

Leave a Comment