P50-B ATRASO NG POGO SINGILIN NA

pogo44

IGINIIT ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na piliting singilin ang mga Philippine Offshore  Gaming Operator (POGO) sa P50 Billion buwis na hindi nila binayaran noong 2019 ngayong kailangan ng gobyerno ng  pondo para labanan ang COVID-19.

Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang nasabing pahayag dahil nangangailagan ang gobyerno ng  malaking pondo para sa laban kontra COVID-19 at pantulong sa mga apektadong sektor ng lipunan lalo na ang mga manggagawa.

“If only the PAGCOR and BIR could compel these POGOs from paying their tax due of P50 billion in 2019, that would  be sufficient enough for use in the fight against COVID-19. There is no more need for Congress to enact laws and  for the government to secure loans to fight the virus,” ani Barbers.

Tugon din ito ni Barbers sa ulat na nag-donate umano ang mga POGO operator ng P150 milyon sa kampanya ng gobyerno  para matigil na ang paglaganap ng COVID-19.

“While we appreciate and are grateful for the much-needed donation, it is just a miniscule part of the taxes they  owed to the Philippine government. Perhaps now is the perfect timing for them to pay their taxes.

And that’s P50  billion. Let us not be fooled by a fox in a sheep’s clothing,” ani Barbers.

Magugunita na noong Pebrero 10, inamin ni Atty. Sixto Dy, Jr., ng BIR Office of the Deputy Commissioner for  Operations na mayorya sa 60 lisensyadong POGO ay hindi nagbayad ng withholding income at franchise tax noong 2019  na umaabot sa P50 Billion.

Hindi pa kasama rito ang buwis na hindi pinabayaran sa mga POGO worker gayung gumagastos na ang pamahalaan sa kampanya laban sa mga krimeng ginagawa ng mga dayuhang ito sa bansa.

Noong nakaraang taon, umaabot sa 500,000 Chinese nationals ang bumisita sa Pilipinas kung saan 300,000 ay  nagtrabaho sa mga POGO subalit hindi nagbabayad ng income tax. BERNARD TAGUINOD

157

Related posts

Leave a Comment