LATIGO SA MGA PASAWAY

PRO HAC VICE

Dapat  siguro magkaroon ng kaunting kamay na bakal ang pamahalaan upang mabigyan ng mabigat-bigat na kaparusahan ang mga pasaway partikular na ang mga kabataan na siya ngayong pangunahing sakit ng ulo ng mga local governments units (LGUs).

Kung kailangang maparusahan ng mas mabigat upang matauhan o matuto ang mga pasaway nating mga kababayan partikular na ang mga kabataan ay dapat gawin na ito ng pamahalaan.
Sobrang abuso na po ang ginagawa ng mga pasaway na mga yan! Wala na ngang naitutulong sa pamahalaan ay nagpapasaway pa.

Alam naman nila na kaya ipinababawal na ang magpagala-gala sa lansa­ngan ay upang makaiwas sa posibleng pagkahawa sa nakakamatay na coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Siguro kailangan ng pamahalaan ng kaunting kamay na bakal para doon sa mga taong nanadyang magpasaway!

Gaya na lamang doon sa napabalita sa mga TV Station na mga kabataan sa bahagi ng Laguna na tinatawanan pa ang mga barangay tanod na nagpapaalala sa kanila na mayroong umiiral na curfew hours na sa halip na umuwi sa kani-kanilang pamamahay ay nakikipagpatin­tero  pa sa mga tanod kaya nang mahuli sila ng mga barangay tanod hayon inilagay sila sa kulungan ng aso.

kung ako po ang tatanungin ay kulang pa nga yon dapat sa mga ganoong ka bastos na kabataan latiguhin sa plaza kasama ang kanilang mga magulang upang magtanda..
Ang mga magulang ng mga batang iyon may gana pang umanoy ­magreklamo dahil sa ginawa sa kanilang mga anak. Ang kapal naman ng pagmumukha ninyo may gana pa kayong mareklamo eh dapat nga sa inyo isinamang ikulong doon sa kulungan ng aso upang maintindihan ninyo ang inyong kapabayaan. Mga tinamaan kayo ng lintek!!!

Hirap na nga ang pamahalaan natin sa ­paghanap ng mga paraan upang mabawasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 kayo naman ay nagpapasaway pa!!!
Kaya tama lang ang naging panukala ng Philippine National Police (PNP) na kasuhan na ang mga pasaway at nang maintindihan ng mga yan kung gaano kaseryoso ang a­ting pamahalaan sa paglaban sa nakakamatay na ­COVID-19.

227

Related posts

Leave a Comment