TINIYAK ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bibigyan ng 200 dolyares bawat Overseas Filipino Worker (OFW) sa loob ng isang buwan habang may problema sa
COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello, partikular na bibigyan ng tulong pinansyal ang mga nawalan ng trabaho sa abroad dahil sa COVID-19 na namiminsala sa buong
mundo.
Kabilang dito ang mga OFW sa Italy na siyang nangungunang apektado ng COVID-19.
Ani Bello, kung gusto namang umuwi ng mga OFW ay maaari nilang tulungan ang mga io para makabalik ng bansa.
Makikipag-ugnayan din umano sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Foreign Affairs (DFA) sakaling kailanganin na ma-repatriate ang mga OFW.
Tiniyak din ng kalihim na may paglalagyan silang lugar sa mga OFW na isasailalim sa 14-day quarantine bago sila umuwi sa kani-kanilang pamilya. JOEL O. AMONGO
